• [email protected]
  • 09764495331
  • Have any Question?
Uno Course Academy histudy
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now

Our Top Courses
Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 3

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 2

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 1

…

General Education
General Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 5

…

Uno Course Academy histudy

Histudy is a education website template. You can customize all.

  • [email protected]
  • 09764495331
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now
Find With Us
blog banner background shape images
  • Uno Course
  • 15 February 2024

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 8

  • 4 min read
  • 147 Views
General Education
General Education in the New Curriculum – Filipino Test 8

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 8

General Education

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

1. Piliin sa mga sumusunod ang payak na pangungusap.

A. Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.
B. Nagtungo si Maria sa Thailand at siya ay bumili ng mga damit.
C. Upang maging maayos ang pag-aaral ng mga bata, kailangang maghanda ang mga paaralan nang sapat.
D. Pagkatapos ng kolehiyo, pumunta siya sa ibang bansa kaya hindi na nagtrabaho dito sa Pilipinas.

Answer

A. Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.
Ang payak na pangungusap ay binubuo lamang ng isang sugnay na makapag-iisa.

2. Sa loob ng isang hugnayan pangungusap, may isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Alin ang sugnay na makapag-iisa sa pangungusap na ito? Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna ng COVID-19 at umayos ang lagay ng bansa, kailangang manguna sa pagbabakuna ang mga lider ng bansa.

A. Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna ng COVID-19
B. Umayos ang lagay ng bansa
C. Kailangang manguna sa pagbabakuna ang mga lider ng bansa
D. a at b

Answer

C. Kailangang manguna sa pagbabakuna ang mga lider ng bansa
Ang pangungusap ay mauunawaan kahit mag-isa dahil buo ang diwa nito at ganap nang pangungusap.

3. Alin sa mga sumusunod ang tambalang pangungusap?

A. Si Jose Rizal ay kilalang Pambansang Bayani ng Pilipinas.
B. Magkapatid sina Pedro at Juan.
C. Sumasayaw si Erol at umaawit si Grace.
D. Nasira ang kanyang cellphone na regalo ng kanyang tatay.

Answer

C. Sumasayaw si Erol at umaawit si Grace.
Ang pangungusap ay may kayariang tambalan dahil binubuo ito ng dalawang signay na nagkapag-iisa at pinag-ugnay ng pangatnig na “at.”

4. Anong uri ng pangungusap ito? Magaganap ang eleksyon sa Mayo 2022.

A. paturol
B. patanong
C. pautos
D. padamdam

Answer

A. paturol
Ang pangungusap na paturol ay nagpapahayag ng katotohanan,kalagayan, at palagay o pangyayari.

5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa karaniwang ayos?

A. Masisipag at mababait ang mga anak ni Carmina.
B. Ang mga bata ay masisipag at mababait.
C. Silang magkakapatid ay matatalino.
D. Ang bata ay mapitagang sumagot sa kanyang guro.

Answer

A. Masisipag at mababait ang mga anak ni Carmina.
Ang pangungusapay  nasa karaniwang ayos dahil nauna ang kanyang panaguri kaysa sa paksa.

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

6. Alin sa mga sumusunod ang nasa pangungusap na kabalikan.

A. Malalago ang kanyang mga halaman.
B Ang kanyang mga halaman ay galing sa ibang bansa.
C. Malahaga na hanapin ang tamang kasagutan sa mga katanungan niya.
D. Umiikot ang buhay niya sa kanyang kasintahan.

Answer

B. Ang kanyang mga halaman ay galing sa ibang bansa.
Ang pangungusap na kabalikan o di-karaniwang ayos ay gumagamit ng panandang ay at nauuna ang paksa kaysa panaguri.

7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat isulat gamit ang mga bantas para sa pangungusap na padamdam?!

A. Pumasok ka nang maaga
B. Naku nahulog ang bata
C. Kumain ka na ba
D. Nagbabanta ng pagwewelga ang mga mag-aaral

Answer

B. Naku nahulog ang bata
Ang pangungusap na ito ay nasa anyong padamdam dahil ito ay nagsasaad ng matinding damdamin. Ito ay dapat isulat sa ganitong anyo.
Naku! Nahulog ang bata!

8. Bakit ito itinuturing na pangungusap na langkapan? Ang isang tao ay karaniwang nagtatagumpayat siya ay nagkakaroon ng magandang buhay kapag siya ay matiyaga.

A. Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang punong sugnay at isang pantulong na sugnay.
B. Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay, sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di nakapag-iisa.
C. Ang pangungusap ay may dalawang sugnay na nakapag-iisa.
D. Ang pangungusap ay may iisang sugnay na nakapag-iisa.

Answer

A. Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang punong sugnay at isang pantulong na sugnay.
Ito ay pangungusap na langkapan dahil ito ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.

9. Alin ang simuno ng pangungusap na ito? Malamig na lugar ang Baguio City kaya ito ay dinarayo ng maraming turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.MAR

A. malamig
B. Baguio City
C. turista
D. bahagi ng mundo

Answer

B. Baguio City
Ang Baguio City ang pinag-uusapan sa pangungusap.

10. Alin sa mga sumusunod na payak nq pangungusap ang may balangkas na tambalang simuno at tambalang panaguri?

A. Si Randy ay nagbabas ng aklat.
B. Magkapatid si Pedro at Juan.
C. Ang mga mag-aaral at ang guro ay natutulungan at nagkakaisa para sa kaunlaran ng paaralan.
D. Si Magda ay kumakanta habang si Beth ay nanunuod.

Answer

C. Ang mga mag-aaral at ang guro ay natutulungan at nagkakaisa para sa kaunlaran ng paaralan.
Ang pangungusap ay may dalawang simuno at may dalawang panaguri.

Uno Course

0 Comments

Add Your Comment

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Useful Links
  • Faq
  • About Us
  • Privacy Policy
Our Company
  • Contact Us
  • Latest Post
  • Events
  • Course
  • Contact
Get Contact
Newsletter

©2024. All rights reserved by Rainbow Theme.

  • Home
  • Course
  • Account
  • Shop
  • Cart