• [email protected]
  • 09764495331
  • Have any Question?
Uno Course Academy histudy
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now

Our Top Courses
Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 3

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 2

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 1

…

General Education
General Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 5

…

Uno Course Academy histudy

Histudy is a education website template. You can customize all.

  • [email protected]
  • 09764495331
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now
Find With Us
blog banner background shape images
  • Uno Course
  • 15 February 2024

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 7

  • 3 min read
  • 117 Views
General Education
General Education in the New Curriculum – Filipino Test 7

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 7

General Education

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama ang paggamit ng pang-uri para sa pagbibigay-turing sa pangngalan?

A Kapatid niya ang matabil na batang naliligo sa may poso.
B. Kapatid niya ang batang naliligo sa may poso na matabil.
C. Kapatid niya na matabil ang batang naliligo sa may poso.
D. Kapatid niya sa may poso na matabil ang bata ay naliligo.

Answer

A. Kapatid niya ang matabil na batang naliligo sa may poso.
Ang pangungusap ay malinaw dahil tama ang posisyon ng pang-uri para matukoy kung sino ang binibigyang turing sa pangungusap.

2. Ito ay nagpapakita sa pagkakasunod-sunod na bilang ng mga tao, bagay, at iba pa.

A. kardinal o patakaran
B. ordinal o panunuran
C. pamahagi
D. palansak/papangkat

Answer

B. ordinal o panunuran
Nakikilala ang bilang ng panunuran sa pamamagitan ng panlaping ika-at pang. Halimbawa, ika-12 ng Disyembre,pangalawa, pangatlo at iba pa.

3. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng pang-uring pamilang ang nasa anyong patakda. Ang patakda ay nagsasaad ng tiyak na na bilang, dami o halaga na wala kundi iyon o hanggang doon lamang.

A. iisa, dadalawa
B. tig-iisa, tigdadalawa
C. isa-isa, dala-dalawa
D. lahat nang nabanggit

Answer

A. iisa, dadalawa
Ang iisa at dadalawa ay nagsasaad ng tiyak na bilang.

4. Anong uri ng pamilang ang mamiso?

A. patakda
B. palansak/papangkat
C. pahalaga
D. pamahagi

Answer

C. pahalaga
Ang mamiso ay nagsasaad ng halaga ng isang bagay.

5. Ang inklitik (kataga o particle) ay isa sa dalawang uri ng pang-abay. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kasama sa mga inklitik sa Wikang Filipino?

A. yata
B. man
C. na
D. in

Answer

D. in
Walang inklitik na in sa Wikang Filipino.

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

6. Ito ay pananda sa pamanahong pang-abay na na nangangahulugan ng ginaganap o gaganapin pa.

A. panandang na
B. panandang pa
C. panandang sa
D. panandang mula

Answer

B. panandang pa
Ang  pa  ay  panandang nangagahulugan na gaganapin pa o ginananap pa lamang ang isang bagay ayon sa panahon. Halimbawa,Ang damit pangkasal ay hindi pa natatapos ng mananahi.

7. Alin sa mga pangungusap ang tama ang pagkakasulat gamit ang tamang kataga at pang-abay?

A. Nagsasalita nang banayad ang guro.
B. Nagsasalita ng banayad ang guro.
C. Nagsasalita ang banayad na guro.
D. Nagsasalita sa banayad na guro.

Answer

A. Nagsasalita nang banayad ang guro.
Ang katagang  nang  ay nangangahulugan ng pamaraan kaya ginagamit ito para ilarawan kung paano ginagawa ang kilos at sumasagot sa tanong na paano.

8. Ano ang tamang preposisyon na gagamitin sa pangungusap na ito? Ayon sa Pangulo, dapat tayong magtulungan     pag-unlad ng ating bayan.

A. para sa
B. tungo sa
C. batay sa
D. ayon sa

Answer

B. tungo sa
Dahil ang tinunutukoy ay pag-unlad ng ating bayan na isang direksyon,mas angkop ang paggamit ng preposisyon o pang-ukol na tungo sa.

9. Punan ng wastong pangatnig ang patlang sa pangungusap na ito.
Kailangan ang disiplina _____  magtagumpay ang isang tao. Napatunayan ito sa maraming pagkakataon nå kapag walang disiplina, walang kaayusan.

A. sapagkat
B. kahit
C. upang
D. samaktuwid

Answer

C. Upang
Sa lahat ng pagpilipian ang angkop na pangatnig ay upang.

10. Punan ng wastong pangatnig ang patlang sa pangungusap na ito.
_____ tayo ay magtulungan at gamitin ang disiplina upang magtagumpay.

A. Kaya
B. Samantala
C. Dahil
D. Maging

Answer

A. Kaya
Kaya ang tamang sagot dahil hindi magiging buo at mali ang diwa ng pangungusap kung ang gagamitin ay samantala, dahil, o maging.

Uno Course

0 Comments

Add Your Comment

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Useful Links
  • Faq
  • About Us
  • Privacy Policy
Our Company
  • Contact Us
  • Latest Post
  • Events
  • Course
  • Contact
Get Contact
Newsletter

©2024. All rights reserved by Rainbow Theme.

  • Home
  • Course
  • Account
  • Shop
  • Cart