• [email protected]
  • 09764495331
  • Have any Question?
Uno Course Academy histudy
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now

Our Top Courses
Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 3

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 2

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 1

…

General Education
General Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 5

…

Uno Course Academy histudy

Histudy is a education website template. You can customize all.

  • [email protected]
  • 09764495331
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now
Find With Us
blog banner background shape images
  • Uno Course
  • 5 February 2024

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 4

  • 3 min read
  • 200 Views
General Education
General Education in the New Curriculum – Filipino Test 4

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 4

General Education

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

1. Ang _____ ay pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.

A. ponema
B. morpema
C. sintaks
D. semantika

Answer

B. morpema
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama.

2. Ang morpemang ponema ay binubuo ng ponemang       na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.

A. /p/ at /b/
B. /w/ at /y/
C. /o/ at /a/
D. /c/ at /h/

Answer

C. /o/ at /a/
Ang /o/ at /a/ ay may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.Halimbawa, abogado at abogada,kusinero at kusinera.

3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng morpemang salitang-ugat.

A. gawa
B. gawain
C. ginagawa
D. gagawin

Answer

A. gawa
Ang guwa ay isang salitang ugat na may kahulugan kahit walang panlaping nakakabit.

4. Ito ay isang morpemang panlapi na may kahulugang taglay o pagkamayroon kung ikakabit sa salitang ugat.

A. mala
B. um
C. ma
D. in

Answer

C. ma
Ang morpemang panlapi na ma kung ikakabit sa isang salitang ugat ay mangangahulugan ng pagkamayroon o may taglay.
Halimbawa: ma + ganda = maganda, ma + kulit = may kulit

5. Ang mga panlaping idinudugtong sa salitang-ugat ay maaaring makabuo ng salitang makangalan, makauri, at makadiwa. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang makadiwa?

A. mag-+laro = maglaro
B. ma-+sipag = masipag
C. mag-+ama = mag-ama
D. ma-+tapang = matapang matapang

Answer

A. mag + laro = mag maglaro
Ang salitang maglaro ay isang pandiwa kaya ang nabuo mula sa panlapi na mag at salitang ugat na laro ay salitang makadiwa.

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

6. Ang panlaping makangalan ay mga panlaping ikinakabit sa salitang ugat upang makabuo ng pangngalan. Alin sa mga sumusunod na panlapi ang karaniwang magbibigay ng kahulugan na ito ay pook o kinaroroonan o ginagampanan o panahon kung idudugtong sa isang salitang ugat.

A. mag
B. in
C. mang
D. an

Answer

D. an
Ang panlaping an kung ginagamit itong hulapi sa mga salita ay karaniwang mangangahulugang ng pook na kinaroroonan.
Halimbawa:
asin+an = asinan
tago+an = taguan

7. Alin sa mga sumusunod ang mali ang pagkakagamit ng gitling?

A. araw-araw
B. kabi-kabila
C. pang-ako
D. ma-yari

Answer

D. ma-yari
Ito ay dapat may-ari dahil kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig, kapag hindi ito nilagyan ng gitling sa tamang posisyon o walang gitling, magkakaroon ng ibang kahulugan.

8. Alin sa mga sumusunod ang umaayon ang pagkakasulat sa panuntunang ito ng paglalagay ng gitling? Kapag may katagang kinalas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

A. bahay-aliwan
B. mag-isa
C. maka-Diyos
D. apat-apat

Answer

A. bahay-allwan
Ang bahay-aliwan ay mula sa bahay na aliwan. Kinaltas ang katagang na kaya naging bahay-aliwan.

9. Ano ang tamang paraan sa pagsusulat kapag ginagamit ang ika bilang panlapi sa numero o pamilang?

A. ika-9 na buwan
B. ika 20-rebisyon
C. ika 3:00-hapon
D. ika-20-na pahina

Answer

A. ika-9 na buwan
Kapag ginagamit ang panlaping ika bilang unlapi sa mga numero, laging inilalagay ang gitling pagkatapos isulat ang ika.

10. Ang gitling ay ginagamit kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng aplikasyon nito?

A. Gloria – Macapagal – Aroyo
B. Gloria Macapagal – Aroyo
C. Gloria – Macapagal Aroyo
D. -Gloria – Macapagal -Aroyo

Answer

B. Gloria Macapagal -Aroyo
Ang gitling ay inilalagay lamang sa pagitan ng apelyido ng babae at ng asawa.

Uno Course

0 Comments

Add Your Comment

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Useful Links
  • Faq
  • About Us
  • Privacy Policy
Our Company
  • Contact Us
  • Latest Post
  • Events
  • Course
  • Contact
Get Contact
Newsletter

©2024. All rights reserved by Rainbow Theme.

  • Home
  • Course
  • Account
  • Shop
  • Cart