• [email protected]
  • 09764495331
  • Have any Question?
Uno Course Academy histudy
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now

Our Top Courses
Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 3

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 2

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 1

…

General Education
General Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 5

…

Uno Course Academy histudy

Histudy is a education website template. You can customize all.

  • [email protected]
  • 09764495331
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now
Find With Us
blog banner background shape images
  • Uno Course
  • 5 February 2024

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 3

  • 3 min read
  • 286 Views
General Education
General Education in the New Curriculum – Filipino Test 3

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 3

General Education

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

1. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng salitang pinantig ang sumusunod sa tuntunin na ito ng pagpapantig?
Kapag may apat na magkakasunod ha katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.

A. eksklusibo: eks-klu-si-bo
B. alambre: a-lam-bre
C. maaga: ma-a-ga
D. kinopya: ki-nop-ya

Answer

A. eksklusibo: eks-klu-si-bo
Ang salitang eksklusibo ay may apat na magkakasunod na katinig.Ang unang dalawang katinig na ks ay isinama sa e at ang kl ay isinama sa u.

2. “Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak”. Ang pinapahalagahan sa linyang ito ay:

A. kagipitan
B. Kalayaan
C. kabiguan
D. kahirapan

Answer

B. Kalayaan
Karaniwang ginagamit ang linyang ito kung ang usapin ay nauukol sa kalayaang ninanais matamasa ng bawat tao.

3. Bakit magulo? Kami po ay _____ sa paghahanda sa Araw ng Kalayaan.

A. ababalang-abala
B. abala-abala
C. abalang-abala
D. abalng-abalang

Answer

C. abalang-abala
Ito ang tamang salita dahil lahat ng mga ibang salita ay hindi ginagamit sa Wikang Filipino.

4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pinakatamang ayos?

A. Ipinasyal ng kapatid ko ang mga panauhin sa bayan na kararating lamang.
B. Ipinasyal ng kapatid ko ang mga panauhing kararating lamang sa bayan.
C. Ang mga panauhing lamang ay kararating ay ipinasyal ng kapatid ko sa bayan.
D. Panauhing kararating lamang ay ipinapasyal ng mga kapatid ko sa bayan.

Answer

B. Ipinasyal ng kapatid ko ang mga panauhing  kararating lamang sa bayan.
Ang pangungusap ay  nasa karaniwang ayos at ang pagkakabuo malinaw.

5. Matamis ang dila ng kanilang kandidato kaya lagi siyang nananalo tuwing eleksyon. Ang ang ibig sabihin ng mga salitang nasalungguhitan?

A. kumakain ng kendi
B. mahusay humikayat
C. sanga-sanga ang dila
D. marunong mang-aliw

Answer

B. mahusay humikayat
Ang “matamis ang dila” ay isang kasabihan na tumutukoy sa isang taong napaniniwala ang kanyang mga tagapakinig dahil marunong siyang humikayat.

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

6. Siya ay _____ sa Sacred Heart Hospital bukas.

A. ooperahin
B. pinaopera
C. arawang sahod
D. bayad sa overtime

Answer

C. ooperahan
Ang ooperahin ay ginagamit kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin.Ginagamit ang ooperahan kung ang tinutukoy ay yung mismong taong sasailalim sa pagtitistis.

7. _____ mo ng langis ang kanyang mga paa para uminit nang kaunti.    

A. pahiran
B. pinahiran
C. pahirin
D. ipinahid

Answer

A. pahiran
Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin.
Ang Pahiran naman ang ginagamit kung ang ibig ipakahulugan ay lagyan ng isang bagay ang isang bagay.

8. Alin sa mga sumusunod na salita ang may tuldik na maragsa?

A. kulay
B. mukha
C. haba
D. pako

Answer

B .mukha
Ang “mukha” ang may tuldik na maragsa ito ay binibigkas nang tuloy-tuloy at ang huling pantig ng salita ay may impit.

9. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakatamang salin ng salawikain mula sa Latin na “audentis fortuna iuvat.”

A. Ang kapalaran ay parang gulong lamang.
B. May biyaya ang mga matatapang.
C. Pinapaboran ng kapalaran ang mga matatapang.
D. Ang katapangan at kapalaran ay magkatimbang.

Answer

C. Pinapaboran ng kapalaran ang mga matatapang
Ang ibig sabihin ng audentis fortuna iuvat, isang kasabihang Latin, ay pinapaboran ng kapalaran ang mga matatapang.

10. Ang “per diem“ ay salitang banyaga na ginagamit din sa pakikipagtalastasan sa Filipino. Ano ang ibig sabihin nito?

A. buwanang sahod
B. karagdagang sahod
C. arawang sahod
D. bayad sa overtime

Answer

C. arawang sahod
Ang “pier diem” ay salitang latin na nangangahulugang arawang alawans o suweldo.

Uno Course

0 Comments

Add Your Comment

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Useful Links
  • Faq
  • About Us
  • Privacy Policy
Our Company
  • Contact Us
  • Latest Post
  • Events
  • Course
  • Contact
Get Contact
Newsletter

©2024. All rights reserved by Rainbow Theme.

  • Home
  • Course
  • Account
  • Shop
  • Cart