• [email protected]
  • 09764495331
  • Have any Question?
Uno Course Academy histudy
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now

Our Top Courses
Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 3

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 2

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 1

…

General Education
General Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 5

…

Uno Course Academy histudy

Histudy is a education website template. You can customize all.

  • [email protected]
  • 09764495331
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now
Find With Us
blog banner background shape images
  • Uno Course
  • 23 July 2024

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 1

  • 1 min read
  • 669 Views
General Education
General Education in the New Curriculum – Filipino Test 1
SCROLL DOWN TO CLAIM YOUR REWARDS

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 1

General Education

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

1. Mahalaga ang pag-aaral ng [ponolohiya] ng isang wika upang matutunan ang tamang _____ ng mga ito.

A. tunog
B. artikulasyon
C. kahulugan
D. pinagmulan

Answer

A. tunog
Ang ponolohiya o ponoloji ay pag-aaral ng mga tunog ng mga iba’t ibang wika.

2. Ponema ang tawag sa mga tunog ng isang wika. Kailan masasabing makabuluhan ang isang ponema?

A. Kapag ito ay naidudugtong sa isang salita.
B. Kapag naiiba nito ang kahulugan ng salitang kinabibilangan nito.
C. Kapag ginagamit ito nang maraming beses sa isang salita.
D. Kapag ito ay nagagamit sa lahat ng wika sa mundo.

Answer

B. Kapag naiiba nitoang kahulugan  ng   salitang kinabibilangan nito.
Ang isang ponema ay masasabing makabuluhankapag  nag-iiba ang kahulugan ng isang salitang kinabibilangan nito sa pagkakataong mapapalitan ngibang ponema.

3. Saan ang punto ng artikulasyon ng mga ponemang p/, /b/, at /m/?

A. ngipin
B. labi
C. galagid
D. lalamunan

Answer

B. labi
Ang mga ponemang /p/, /b/, at /m/ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng ibabang labi sa itaas na labi kaya ito ay mga ponemang panlabi.

4. Ang mga ponemang /s/, /z/, /l/ at /r/ ay binibigkas sa ibabaw ng punong dila na dumidikit sa punong gilagid kaya ang punto ng artikulasyon ng mga ito ay:

A. pangngalangala
B. panlalamunan
C. pandila
D. panggilagid

Answer

D. panggilagid
Ang mga ponemang /s/,/z/, /l/ at /r/ ay binibigkas sa ibabaw ng punong dila na dumidikit sa punong gilagid kaya ang punto ng artikulasyon ng mga ito ay panggilagid.

5. Alin sa mga sumusunod na salita ang walang diptonggo?

A. baliw                                                    
B. bahay                                                   
C. reyna
D. saliwan

Answer

D. saliwan
Ang salitang saliwan ay walang diptonggo  sapagkat kapag pinantig ang salitang ito, nagiging sa-li-wan, ang patinig na /i/ sa li at malapatinig na /w/ sa wan ay naghiwalay.

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

6. Alinman sa ponemang patinig na /a/, /e/, /i/, /o/, at /u/ na sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa loob ng isang pantig ay tinatawag na _____.

A. ponema
B. morpema
C. diptonggo
D. katinig

Answer

C. diptonggo
Alinman sa ponemang patinig na /a/, /e/, /i/, /o/, at /u/ na sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa loob ng isang pantig ay tinatawag na diptonggo.
Halimbawa, ba-duy,   ka-hoy.

7. Ang _____ na maituturing na kambal katinig ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinigsa isang pantig!

A. klaster
B. diptonggo
C. pares minimal
D. ponemang malayang nagpapalitan

Answer

A. klaster
Ang klaster na maituturing na kambal katinig ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig. Maaaring makita ang klaster sa inisyal, midyal, at pinal na pantig ng salita.

8. Aling ang hindi kasama sa pangkat?

A. blusa
B. kwento
C. dragon
D. kard

Answer

D. kard
ang mga salita ay may mga klaster pero ang kard ang nag-iisang nasa pinal na bahagi ng pantig ang kanyang klaster. Ang ibang tatlong salita ay may klaster na nasa inisyal.

9. Bakit hindi maaaring sabihing klaster and digrap na /ng/?

A. Wala ito sa alpabeto ng ibang bansa.
B. Ito ay binibigkas na may tunog na /?/.
C. Ito ay binubuo ng dalawang katinig.
D. Ito ay ibinibilang na isang ponema.

Answer

D. Ito ay ibinibilang na isang ponema.
Hindi maaaring sabihing klaster ang digrap na /ng/ dahil ito ay ibinibilang na isang ponema sa Wikang Filipino.

10. Ang mga sumusunod na dalawang pares ng salita ay mga halimbawa ng pares minimal maliban sa:

A. tila/tela
B. pala/bala
C. bata/pata
D. mama/mata

Answer

D. mama/mata
Ang pares minimal ay binubuo ng pares ng salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad ang bigkas. Hindi magkatulad ang bigkas ng mama at mata.

CLAIM YOUR FREE CHIPS ANS SPINS BELOW
FREE CHIPS AND SPINS BELOW

REDEEM LINK ➪ COLLECT CHIPS HERE

Uno Course

0 Comments

Add Your Comment

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Useful Links
  • Faq
  • About Us
  • Privacy Policy
Our Company
  • Contact Us
  • Latest Post
  • Events
  • Course
  • Contact
Get Contact
Newsletter

©2024. All rights reserved by Rainbow Theme.

  • Home
  • Course
  • Account
  • Shop
  • Cart