Sa lesson na ito ay tatalakayin natin ang mga kakailanganin sa paggawa ng website o blog.
- Domain
- Hosting
Generally, ito lang ang kailangan mo para makagawa ng website.
1. Domain
Ano ba ang domain?
Ang domain o domain name ay tumutukoy sa isang natatanging website address na ginagamit upang ma-access mo ang isang webste.
Halimbawa sa domain name ay ang mga sumusunod:
google.com, facebook.com, youtube.com, at instagram.com
Kaya, para magkaroon ng website, kailangan mong magkaroon ng domain name.
Paano magkaroon ng domain name?
Para magkaroon ng sariling domain name, kailangan mo lang bumili sa mga domain name provider gaya ng z.com, Hostinger, Namecheap at iba pa, sa halagang 350PHP to 550PHP renewable every year.
Para sa murang domain name, maari kang bumili sa z.com (nasa 350PHP) o sa Hostinger.ph (nasa 550PHP) good for one year.
Mga dapat tandaan sa pagbili ng domain name
1. Dapat ang domain name extension na bibilhin mo ay nagtatapos sa .com
Bakit?
Maraming domain name extension kagaya ng .com, .net, .shop, .online, news, at iba pa.
Ang pinakarason kung bakit mas mainam na ang bilhin na domain name extension ay .com dahil sa ito ang pinaka-common na domain name extension.
Halimbawa, kapag ang tao ay nag-type ng website sa browser like gmanetwork, ang unang isusulat nila ay gmanetwork.com at hindi yung gmanetwork.net, gmanetwork.online.
Pansinin mo ang website ng GMA.
Sa halip na gmanetwork.news ang kanilang binili, bakit gmanetwork.com?
At yan ang dahilan, dahil sanay na ang mga tao na kapag nagsusulat ng website, expected nila na ito ay nagtatapos ng .com.
And of course, the more na napupunta sa site mo ang mga tao na more chance na kikita ka ng malaki.
2. Dapat maiksi at madaling matandaan ang domain name
Ang recommended na haba ng domain name ay around 10-12 letters lamang upang madaling matandaan ng mga tao.
At kung posible, iwasan ang paggamit ng hypen (-) like gma-network.com.
Hindi naman bawal ang magkaroon ng (-) sa domain name mo.
Kaya lang, nakasanayan na ng mga tao na kapag nagsusulat ng website, hindi sila naglalagay ng (-) sa website na e-aaccess nila.
Halimbawa sa website na abs-cbn.com, kahit ako, namamali pa rin ako sa pagsulat ng website nila, kasi nakasanay na ang di paggamit ng (-) na symbol sa pag-access ng website.
Kaya, sa halip na mapunta sila sa website mo, baka mapunta pa sila sa iba dahil sa pagkakaroon lang ng (-) sa domain name mo.
So far, ito lang naman ang mga kailangan tandaan sa pagbili ng domain name.
Dapat maiksi at madaling matandaan at dapat nagtatapos ito sa domain extension na .com.
2. Hosting
Ano ang hosting?
Ang hosting ay isang service tool na kailangan ng isang website upang maging live online ang isang website.
Ibig sabihin, hiindi mo maa-access o ng ibang tao ang iyong website kung hindi ito nakahost.
Halimbawa sa YouTube.
Ang mga video na ginagawa mo ay sabihin nating nakahost sa YouTube channel mo.
Kung wala kang YouTube channel, lahat ng ginawa mong video ay hindi maa-upload at maa-access online.
Ganun din sa website, kailangan mo ng host para maging accessible ang iyong website.
Paano magkaroon ng hosting?
Maraming klase ang hosting.
Mayroon tayong tinatawag na Free hosting, Shared, VPS, Dedicated, Cloud hosting, etc.
Pero tatalakayin lang natin yung mga basic hostings like Free hosting at Shared.
Free Hosting via Blogger
Ang Google ay mayroong Free hosting na nag-aallow sa atin na e-host ang ating domain sa kanila ng libre.
Ibig sabihin, wala kang babayaran dito except sa binili mong domain name.
Para makagawa ng account, visit niyo lang ang www.blogger.com or click here.
Pros and Cons ng Free Hosting via Blogger
Pros
1. Literal na libre
As in wala kang babayaran ni isang piso dito.
2. Madali gamitin
Napakadaling gamitin ng Blogger at beginner-friendly siya since ang gagawin mo lang nmn ay magsulat ng mga article.
Cons
1. May mga limitasyon
Dahil sa Free hosting ito, may mga limitasyon ang pwede mong gawin sa iyong website since nakikihost ka lang ng libre sa Google at kailangan mong sumunod sa kanilang rules and regulations.
Pero, yung mga limitasyon nila ay hindi naman makakaapekto sa iyong website.
2. Dependent ang website mo sa Google.
Since dependent ang website mo sa Google, kailangan mong sundin ang mga policy nila.
Ang nakakatakot lang na mangyari if isara ng Google and blogger.com website nila.
Pero, parang imposible naman na isara nila ito dahil maraming website parin ang gumagamit ng platform nila para maghost ng libre.
Shared Hosting (Paid Hosting)
Maraming hosting companies ang nag-ooffer ng shared hosting like Hostinger, GoDaddy, Namecheap, at iba pa.
Pero sa lesson na ito ay tuturuan ko lamang kayo sa Hostinger and I suggest na ito ang gamitin if you plan to buy a shared hosting plan.
Bakit?
Kasi subok ko na ito at compared sa GoDaddy, sobrang mahal ng initial price nila at lalo na sa renewable price.
Sa namecheap naman, may kamahalan din PLUS hindi ako kontento sa support nila during my time kasi need ko pa mag wait ng ilang oras/days para masagot nila support chat ko, at isa pa, medyo may incompatability issue siya sa isang advertising network na gagamitin natin.
Kaya, I suggest to use Hostinger, pero if gusto niyo mag GoDaddy or Namecheap, pwede naman.
At ito ang maganda sa Shared Hosting, they offer 1 year .com domain name for FREE if bibili ka ng hosting nila with a 1-year-plan or more.
Pros and Cons with Shared Hosting
Pros
1. Hawak mo ang website and kontrolado mo ito
2. Free WordPress installation – isang pinakasikat na Content Management System na siyang gagamitin natin sa ating blog.
3. Flexible at madaling gamitin
Cons
1. Siyempre, mas mahal ang renewable price pero worth it din naman at for sure kayang bawiin in a year once kumikita ka na sa blogging.
So far for beginners, ito lang naman ang medyo noticeable na cons sa shared hosting unless you have million of visitors na per day at need na ng upgraded hosting plan.