Ano ang blog?

(Brief introduksiyon muna tayo kung ano ang blog)

Maraming namamali sa terminong blog at vlog, at minsan ito ay ginagamit bilang magkaparehong termino.

Pero ang dalawang ito ay magkaibang-magkaiba ngunit parehong matatawag na content creator.

Ano nga ba ang blog?

Blog ang tawag kapag ang content na ginagawa mo ay sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga impormasyon gamit ang website.

Habang vlog naman ang tawag kapag ang content na ginagawa mo ay sa pamamagitan ng video.

At dahil ang course na ito ay patungkol sa blogging, focus tayo sa blog.

Ang blog ay matagal na sa industiya ng teknolohiya na naging isa sa mga source of income ng mga blogger sa iba’t ibang bansa.

Kaya lang, hindi gaano ito napansin dahil sa pag-aakala ng mga tao na mahirap gawin, kailangan mong maging IT at techy.

At tela mas lalo itong hindi napansin sa pag-usbong ng YouTube at Facebook, dahil karamihan sa mga content creator ay sa YouTube at Facebook na gumagawa ng content.

Pero hindi ibig sabihin na hindi na sikat, ay hindi na rin kapaki-pakinabang dahil hanggang ngayon, milyon-milyong tao pa rin gumagamit ng website sa paghahanap ng impormasyon.

Halimbawa na lang dito ang www.google.com.

Bilyon-bilyong tao ang gumagamit ng site na ito para maghanap ng iba’t ibang impormasyon.

At alam mo ba na ang website na www.google.com ay bilyon-bilyong dollar ang kinikita taon taon?

Kaya, kahit hindi man sikat ang blogging, isa pa rin ito sa mga ginagawang source of income ng mga tao magpahanggang ngayon.

error: Content is protected !!
Scroll to Top