• [email protected]
  • 09764495331
  • Have any Question?
Uno Course Academy histudy
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now

Our Top Courses
Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 3

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 2

…

Professional Education
Professional Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 1

…

General Education
General Education in the New Curriculum – Actual Exam Part 5

…

Uno Course Academy histudy

Histudy is a education website template. You can customize all.

  • [email protected]
  • 09764495331
  • Latest Post
  • My Account
  • My Course
  • Premium Course
  • Shop
Enroll Now
Find With Us
blog banner background shape images
  • Uno Course
  • 15 February 2024

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 6

  • 3 min read
  • 128 Views
General Education
General Education in the New Curriculum – Filipino Test 6

General Education in the New Curriculum – Filipino Test 6

General Education

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

1. Ang panghalip ay inihahalili sa pangngalan. Alin sa mga apat na uri ng panghalip ang inihahalili sa pangalan ng tao?

A. panghalip panao
B. panghalip pananong
C. panghalip panaklaw
D. panghalip pamatlig

Answer

A. panghalip panao
Ang mga halimbawa ng panghalip panao ay siya, ikaw, ako, kami at iba pa.

2. May tatlong panauhan (person point of view) ang panghalip panao. Ang unang panauhan, ikalawang panauhan at ikatlong panauhan. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng panghalip ang nasa ikatlong panauhan?

A. ako, kata
B. mo, ninyo
C. niya, nila
D. iyo, inyo

Answer

C. niya, nila
Ang niya at nila ay mga halimbawa ng panghalip na nasa ikatlong panauhan.

3. Alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakagamit ng panghalip sa pangungusap?

A. Magkano ang pangalan mo?
B. Sino ang pangalan mo?
C. Ano ang pangalan mo?
D. Bakit ang pangalan mo?

Answer

C. Ano ang pangalan mo?
Ano ang ginagamit na panghalip para sa bagay, hayos, katangian,pangyayari at iba pa. Ang sino ay para sa tao, ang magkano ay para sa presyo at ang bakit ay para sa dahilan.

4. Punan ang patlang ng wastong panghalip na hinihingi sa panaklong sa pangungusap na ito.
Nakakalungkot ang _____ (panao) sinapit kamakailan.

A. sila
B. silang
C. kanila
D. kanilang

Answer

D. kanilang
Ang tamang panghalip ay kanilang.

5. Palitan ng wastong panghalip panao ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap na ito.
Sina Jan, Shiela, at ako ay magkakaibigan noon pa.

A. sila
B. kami
C. tayo
D. kayo

Answer

B. Kami
Kami ang tamang panghalip dahil kasama ang nagsasalita sa mga tinutukoy na tao.

Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino

6. Ano ang wastong panghalip-pananong ang gagamitin sa pangungusap na ito?
_____ sa mga bungangkahoy na ito ang ibig mo sa lahat?

A. Saan
B. Alin
C. Itong
D. Sino

Answer

B. Alin
Alin ang tamang panghalip na gagamitin dahil ito ay nagsasaad ng pamimili mula sa lahat ng mga bungangkahoy na sinasabi sa pangungusap.

7. Alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakabanghay ng pandiwa mula sa pawatas, perpektibo, imperpektibo,at kontemplatibo.

A umalis, umalis, paalis, aalis
B. alis, umalis, umaalis, aalis
C. umalis, umalis, aalis, paalis
D. alis, umalis, aalis, paalis  

Answer

A. umalis, umalis, paalis,aalis
Ang umalis ay pawatas. Ang aspektong perpektibo nito ay umalis, ang imperpektibo nito ay paalis, at ang kontemplatibo nito ay aalis.

8. Alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakabanghay ng pandiwa mula sa pawatas, perpektibo, imperpektibo,at kontemplatibo.

A. maganda, magpaganda, gumaganda,gaganda
B. magpaganda, nagpaganda, nagpapaganda, magpapaganda
C. maganda, nagpaganda, nagpapaganda,magpapaganda
D. magpapaganda, maganda na, nagpapaganda, magpapaganda

Answer

B. magpaganda, nagpaganda,nagpapaganda, magpapaganda
Tama ang pagkakabanghay ng pandiwa mula sa pawatas hanggang sa kontemplatibo.

9. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng pangungusap angmay pokus ng pandiwa na instrumental?

A. Kihuna ni Jose ang kawali.
B. Ipinangkuha ni Jose ang kawali.
C. Ikinainis ni Jose ang kawali.
D. Pinuntahan ni Jose ang kawali.

Answer

B. Ipinanghuha ni Jose ang kawali.
Nasa instrumental na pokus ang pandiwa kung ang paksa ay ang kagamitang ginamit sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap.

10. Alin sa mga pangungusap ang may pandiwang nasa kaganapang benepaktib?

A. Ikinatuwa ni Carlo ang pagtikim ng masarap na inihaw.
B. Ipinanluto ni Carlo ng masarap na inihaw ang kawali.
C. Pinaglutuan ni Carlo ng masarap na inihaw ang kawali.
D. Ipinagluto ng Carlo ng masarap na inihaw si Carla.

Answer

D. Ipinagluto ng Carlo ng masarap na inihaw si Carla.
Ang kaganapan sa pangungusap ay nagsasaad ng kung sino ang tatanggap o makikinabang sa panaguri sa kilos ng pandiwa.

Uno Course

0 Comments

Add Your Comment

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Useful Links
  • Faq
  • About Us
  • Privacy Policy
Our Company
  • Contact Us
  • Latest Post
  • Events
  • Course
  • Contact
Get Contact
Newsletter

©2024. All rights reserved by Rainbow Theme.

  • Home
  • Course
  • Account
  • Shop
  • Cart